7 katao nasagip ng PCG, Navy

PITO katao ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy sa magkahiwalay na lugar.

Ayon sa ulat ng PCG, tatlong mangingisda na nagpalutang-lutang sa maalong karagatan na sakop ng Roxas City, Capiz ang kanilang nasagip.

Nabatid na nasira ang motor boat na sinasakyan ng mga mangingisda na sina Ryan Palacio, Dionisio Garganera at Allan Garganera.

Ayon kay Roxas City Coast Guard Station Commander Lt. Jr Grade Jimmy Oliver Vingno, ang tatlo ay umalis sa Sibuyan, Masbate at patungo sana ng Carles, Iloilo nang masira ang makina ng kanilang bangka hanggang tangayin ito ng malalaking alon patungo sa bayan ng Cogon, Roxas City.

Nailigtas naman ng PCG at Philippine Navy ang apat na pasahero nang lumubog na motorbanca sa Calbayog City.

Ang nasabing bangka ay patungo sana sa Western Samar nang hampasin ng malalaking alon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply