7 months pregnant sa misteryosong doktor kuning!

ISA ang bokal ng Laguna na si Angelica Jones sa maraming artista na nakiramay kay tito Dolphy sa Heritage Memorial Park sa C5 na nailibing na kahapon sa nabanggit na lugar.

At dahil bundat na bundat na ang tiyan nito, at di na ang malaking puson nito ang nakikita ng entertainment press na mga naroroon, hindi na nakatanggi pa ang daughter ng plastikadang si Beth Jones at inamin na nito na siya nga ay 7 months pregnant na.

At nang tanungin ang palaos ng actress-politician kung sino ang fadir ng kanyang baby, walang backle niya itong sinagot na doctor ito by profession at nagwo-work sa Asian Hospital at the same time ay isang board member sa bayan ng Batangas.

Okey, para higit na paniwalaan ang mag-inang character ay dapat ipakita ni Angelica o ilantad na ang litrato ng sinasabi niyang doctor. Baka kasi baka palabas na naman nila ito ng kanyang OPM na madir na mahilig gumimik!

What you think my BFFT Pete A.? Are you convinced sa drama ng orocan mother and daughter na ito? Me, I’m not so sure gyud!

***

Special marathon ng Be Careful With My Heart tinututukan ng milyun-milyong viewers

LAST Saturday ay hindi nga pinalampas ng milyun-milyong manonood dito sa Pinas at iba’t-ibang bansa ang special marathon ng Prime-Tanghali hit kilig-seryeng Be Careful With My Heart na pinagbibidahan ng bagong love team ng ABS-CBN na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap a.k.a Papa Chen.

Maliban sa naka-relate nang husto ang lahat sa character ni Jodi rito bilang si Maya na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya at maging ganap na flight stewardess, at Papa Chen bilang si Mr. Lim na isang businessman, biyudo at may tatlong anak na magiging mga alaga ni Jodi, buong pilot week ay napanood sa nasabing special marathon.

Sabi nga ng aming mga kasambahay, parang pelikula na ang napanood nila. Actually, mas maganda pa ang Be Careful with My Heart sa movie version ng Wanted Perfect Mother.

Hindi nga nagkamali ang Kapamilya Network na kina Jodi at Papa Chen nila ipinag -katiwala ang project na ito. Nagtagumpay rin ang nasabing No.1 TV network sa kanilang subok na experiment na ipalabas ito sa kanilang bagung-bagong Prime-Tanghali dahil noong nakaraang Huwebes (Hulyo 12) base sa isinagawang survey ng Kantar Media ay nag rank sa ikapitong puwesto ang nabanggit na serye na humataw ng 17% sa national Tv ratings kumpara sa katapat na Kapuso Movie Festival sa GMA 7 na nakakuha lamang ng rating na 9.9%.

Maasahan na sa mga susunod pang mga araw ay papalo pa nang husto sa rating ang Be Careful With My Heart na mapanonood mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 10:45 AM siyempre sa humahataw na ABS-CBN 2.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply