7 sundalo, 4 ASG patay sa sagupaan sa Basilan

PITONG kagawad ng Philippine Army ang inulat na killed in action habang apat naman ang napatay sa hanay ng mga bandidong Abu Sayyaf kasunod ng naganap na sagupaan kaninang umaga sa Sumisip, Basilan, sa ulat ng isang opisyal ng militar.

Sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni Army Mgen. Ricardo Rainier Cruz, commander ng Philippine Army’s 1st Infantry Division, nagkaroon ng panibagong sagupaan sa Barangay Upper Cabengbeng bandang 7:30 ng umaga kanina.

Ayon kay Cruz, sumiklab ang panibagong sagupaan sa pagitan ng operating troops ng 4th Scout Ranger Battalion at 11 Scout Ranger Company nang masabat ang mga armadong ASG na nauwi kaagad sa palitan ng putok.

Ayon naman kay Philippine Army 1st Infantry Division PIO Capt. Alberto Caber, nagpatuloy  ang sagupaan  sa pagitan ng mga sundalo ng 11th Scout Ranger Company sa pamumuno ni Cpt. Rholie Villaluna.

Dahil sa tindi ng bakbakan, humingi ng responde ang mga sundalo kaya agad ang deploy aerial support/cover na sinasabayan ng aerial strike at artillery fires ng mga nag-reinforce na mga sundalo.

Magugunitang sa nasabing bayan nagkaroon din ng malakas na pagsabog na hinihinalang kagagawan ng ASG na sinasabing Al-Qaeda linked terror group kung saan may anim katao na namatay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply