75th Season ng UAAP lumarga na

WALONG eskuwelahan mula sa University Athletics Association of the Philippines (UAAP) ang magtutunggali sa 75th season na may fireworks-laden opening ceremonies sa SM Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City, kanina.

Mga banda mula sa iba’t ibang eskuwelahan ang nagbukas ng seremonya kasunod ng pagtatanghal ng mga cheering squads.

Pero ang National University (NU) alumnus at dating Pangulong Fidel V. Ramos ang nagpasigla sa UAAP crowd nang ikasa muli nito ang kanyang pamasong pagtalon matapos ang matagumpay na People Power Revolution noong 1986.

Hinikayat din ni Ramos na sumamang tumalon din si UAAP President Nilo Ocampo ng NU na ikinatuwa ng collegiate crowd.

Hinamon naman ni Ocampo ang mga UAAP athletes, at sinabi na “all eyes are upon you” at ang UAAP Season 75 ang magbbigay sa kanila ng tiyansa na “counted among the legends” ng liga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply