75th UAAP men’s basketball lalarga na

MAGARBONG opening ceremonies muna ang mapapanood bago umpisahan ang maiinit na laro sa pagbubukas ng 75th season ng UAAP men’s senior Basketball tournament na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Pormal na bubuksan ang nasabing collegiate league sa ganap na 12:30 bukas (Sabado) ng tanghali kung saan ang National University ang magsisilbing host sa season na ito.

Sa ganap na 2 ng hapon ang bakbakan sa pagitan ng NU Bulldogs at mabalasik na University of the East Red Warriors at susundan ito ng last year’s runner-up Far Eastern University Tamaraws kontra University of Sto. Tomas Growling Tigers sa alas-4:00 ng hapon na mapapanood sa ABS-CBN sports channel.

Sasandalan ng Bulldogs sina reigning MVP Bobby Ray Parks Jr. at Cameroonian center Emmanuel Mbe.

Hindi maganda ang naging resulta ng laro ng Red Warriors nakaraang season subalit ayon kay UE head coach at former Philippine Basketball Association player Jerry Codiñera ay bibigayan nila ng magndang laban ang kanilang mga makahaharap.

Halos lahat ng coaches ay aminadong lumakas naman ang Growling Tigers dahil nagbalik ang ibang players nila galing sa injuries.

Kukuha ng tapang ang Tigers kay star point guard Jeric Fortuna habang ang Tamaraws ay sasandal sa lakas ni RR Garcia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply