79 patay, 2M apektado ng pagbaha sa India

TINATAYANG 79 ang patay habang mahigit sa dalawang milyong residente ang inilikas bunsod ng malawakang pagbaha dahil sa ilang araw na malakas na pag-ulan sa India.

Nabatid na matinding naapektuhan ang Assam State kung saan umapaw ang ilog na nagpalubog sa 26 na bayan sa naturang lugar.

Libo-libong bahay naman ang nawasak dahil sa pagbaha at ekta-ektaryang pananim ang napinsala.

Inaalam pa ang halaga ng napinsala ng malawakang pagbaha sa nasabing bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply