8 bus company, binigyan ng LSCC ng DOLE

WALONG kumpanya ng bus  ang nabigyan na ng Labor Standards Compliance Certificate (LSCC), ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Nabatid na kabilang sa mga ito ay ang Astroliner Tourist Bus Company, Victory Liner, Alro Transport, Nicholas Albert Bus, Nafi Multipurpose Bus, PBT Pitbull Bus Transport, Safeway Bus Lines at Franvil Transit.

Ayon sa DOLE, ang LSCC ay ibinibigay sa mga kumpanya ng bus bilang katunayan na nasunod nila ang lahat ng requirements na may kaugnayan sa Department Order 118-12 na may kaugnayan sa fixed salary para sa mga driver at konduktor ng bus.

Ang LSCC rin ay hinihingi namang requiremnts ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makapag-renew ng prangkisa ang isang bus company.

Kaugnay nito, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na sa 49 kumpanya ng bus na kanilang na-audit ay 36 na ang nakapag-comply.

Sinabi pa ni Baldoz na hindi rin kahit na noong may inilabas na status quo ante order ang Korte Suprema na binawi rin matapos ang 24 oras ay tuloy tuloy pa rin ang mga kumpanya ng bus sa proseso ng pagsunod sa nasabing Department Order.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply