8-buwan buntis naglaslas sa tiyan, baby patay

HINDI na nagawang mailigtas ang sanggol matapos laslasin ng isang 28-anyos na babae ang sarili niyang tiyan kahapon sa Sta. Mesa, Manila.

Malayo na sa kapahamakan at kasalukuyang nasa Sta. Ana Hospital mula sa Ospital ng Maynila ang ginang na si Janice North, taga-North Nagtahan Sta. Mesa, Manila.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Glenn Vallejo kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, nabatid na nasa pagitan umano ng 1:00 hanggang 4:00 ng hapon kahapon nang maganap ang insidente sa bahay ni Janice.

Agad na isinugod sa Ospital ng Maynila ang ginang at mabilis na naaksyunan ng mga manggagamot doon.

Tinahi ang tiyan ng ginang ngunit hindi na nailigtas ang sanggol na tinatayang nasa walo hanggang siyam na buwan.

Tumanggi naman ang mga kaanak ni Janice na paimbestigahan pa ang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply