8 flights papuntang Hong Kong, Taipie lumapag sa Clark Airport

TINATAYANG walong flight na patungong Hong Kong at Taipei ang na-divert sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) sa Clark, Pampanga bunsod ng pananalasa ng bagyo sa naturang bansa.

Base sa pahayag ni Clark International Airport Corporation (CIAC) president Jose Victor Luciano, palapag sana sa Hong Kong at Taipei ang mga eroplano ngunit napilitang lumapag sa Pampanga dahil sa masamang panahon sa destinasyon.

Kabilang sa mga na-divert ang isang UPS cargo plane at isang Airbus 330 Hong Kong Express na may sakay na 262 pasahero.

Pansamantala namang dinala sa hotel sa Fontana Leisure Park ang mga apektadong pasahero.

Inaasahan ding paparating sa DMIA ang UPS 747 cargo at Cathay Pacific 747 flight na patungong Shenzhen, China galing Amsterdam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply