8 mangingisda nawawala

WALO na ang nawawalang mangingisda dahil sa epekto ng sama ng panahon sa Infanta, Pangasinan.

Ayon kay PCG spokesman Lt. Commander Armand Balilo, patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operation sa mga nawawala na sina  Billy Rellano, Gary Alcala, Benjamin Alcala, Juanito Lebios, Filjune Palosa, Pempe Florez at Allan Rada na pawang lulan ng FBCA Ruvina.

Sinabi ni Balilio na pumalaot na ang rescue boat na Habagat para hanapin ang mga nawawalang mga mangingisda.

Una nang na-rescue ang dalawang mga mangingisda sa karagatan ng Narvacan, Ilocos Sur.

Samantala, patuloy na nagpapaalala  ang  PCG sa mga mangingisda na iwasan muna ang paglalayag dahil sa epekto pa rin ng sama ng panahon dulot ng hanging habagat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply