80-anyos na lola natagpuang patay

INAALAM pa ng mga awtoridad kung nagpakamatay o pinatay ang isang 80-anyos na lola na natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang bahay sa Barangay 29 Caloocan City kaninang umaga.

Base sa ulat, dakong alas-8:00 kaninang umaga nang matuklasang patay na si Gaodiosa de Pedra ng kanyang pamangkin na si Nova De Pedro sa ikalawang palapag ng kanyang bahay sa nasabing lugar.

Humingi ng tulong si Nova sa kanilang barangay kung saan agad naman tumugon ang barangay captain na si Ely Santos.

Huling nakitang buhay ang biktima ganap na alas-8:oo ng gabi pero kinaumgahan ay isa ng bangkay.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at inaalam kung may naganap na foul play.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply