86,000 ektaryang lupa ilalaan sa plantasyon ng kape

ILALAAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang may 86,000 ektaryang lupa sa kabundukan para sa pagpapatayo ng mga plantasyon ng kape sa ilalim ng National Greening Program (NGP).

Iginiit ni Environment Secretary Ramon J. P. Paje na ang pagsama sa kape bilang isa sa mga high value crops na itatanim sa ilalim ng NGP ay upang mapanatili ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain na bahagi rin sa layunin ng nabanggit na programa.

“The National Greening Program is not solely reforestation but it is also conceived to  boost food production, and coffee is one crop that we know we can be self sufficient by putting more government inputs to local coffee farming through the National Convergence Initiative (NCI),” sabi ni Paje.

Ang NCP ay isang complementary mechanism na nagsasama sa resources ng DENR at sa expertise ng Departments of Agriculture at Agrarian Reform upang maabot ang sustenableng pagpapaunlad sa kanayunan.

Ani Paje, sa 86,000 ektarya na ilalaan para sa pagtatanim ng kape, nasa 25,000 ektarya ang matatagpuan sa Cordillera Administrative Region (CAR); 12,000 ektarya sa Region 2 at 10,000 ektarya sa Region 12.

May tig-5,000 ektarya naman para sa Regions 3, 4A, 4B at 11; habang tig-4,000 ektarya sa Regions 5, 7 at 8; tig-2,000 ektarya naman sa Regions 9 at 10; at tig-1,000 ektarya sa Regions 2, 6 at 13.

Noong nakaraang taon umano, nasa 2,554 ektarya ang natamnan ng may 1.5 milyong coffee seedlings sa ilalim ng NGP.

Positibo ang pagtanaw ni Paje na maganda ang ipakikitang produksyon ng mga lugar na pagtatamnan ng kape upang mahalinhinan nito ang inaangkat na mga kape na noong 2010 ay umabot sa 26,600 metrikong tonelada batay sa datos ng DA-Philippine Agricultural Development and Commercial Corp. (PADCC).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply