9-anyos paslit hinostage sa Quezon City

(UPDATE) HALOS umabot sa pitong oras ang naganap na hostage drama sa Quezon City bago ito tuluyang natapos bago mag alas-8:00 kaninang umaga.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Romero “Ramir” Palparan.

Naglakad umano ang suspek mula pa sa Cavite patungo sa bahay ng mga kaanak sa E. Rodriguez Avenue.

Nang lumabas ang mag-lola ay hinostage ni Palparan ang siyam na taong gulang na bata at tinutukan ng ice pick.

Ayon sa ulat, ayaw papasukin ng mga kamag-anak si Palparan.

Kasama sa mga hiniling ng suspek ang pagpapaalis sa mga usisero at ang isang taxi na minamaneho ng pulis.

Naibigay naman ang hiling subalit nagbago ang isip nito at hindi sumakay sa taxi.

Natapos ang hostage taking nang bahagya nitong ibaba ang ice pick at kinuha ng ina ng bata ang pagkakataon upang hawakan ang braso ng suspek at saka ito nakuha ng pulisya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply