900 tauhan ng MMDA ikakalat sa SONA

NAKAHANDA na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa gaganaping ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino sa Lunes, Hulyo 23.

Ayon sa pahayag ni MMDA Assistant General Manager for Operations Atty. Emerson Carlos, magpapakalat ang kanilang ahensya ng 900 tauhan upang tiyaking maganda ang daloy ng trapiko sa nasabing araw.

Nilinaw ni Carlos na kasama sa 900 tauhan ang mga magta-traffic, support group ng MMDA, at mga maglilinis ng kalsada pagkatapos ng mga protesta sa araw ng SONA.

Samantala, pahihintulutan ng PNP ang mga militante na magprotesta hanggang sa Ever Gotesco lamang sa Quezon City sa araw ng SONA ng Pangulong  Aquino.

Ipinabatid ni PNP spokesman Senior Supt. Generoso Cerbo Jr., na ito ang napagkasunduan sa ikinasa nilang dayalogo kasama ang iba’t ibang militanteng grupo.

Binigyang diin ni Cerbo na ito ay upang maging organisado ang araw SONA ng Pangulo at hindi maperhuwisyo ang mga motorista sa gagawing kilos protesta ng mga militante.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply