Aaron Villaflor, sasabak na rin sa hubaran!

GAYA ni Kim Chiu, nai-intimidate rin pala si Pokwang kapag kaharap na si Governor Vilma Santos-Recto noong mga unang araw ng kanilang siyuting ng The Healing. Siyempre naman, sino ba ang hindi among our stars na dream makatrabaho ang Star for All Seasons?

On Pokwang, pinaghahandaan daw niya lagi ang mga eksena nila ni Ate Vi (tawag ng mga ka-close ng aktres-politiko).

“Oo naman, nakakailang kasi na pupunta ka sa set nang wala mang lang effort? Kasi nga, sobra talaga ang energy niya (Ate Vi). Nakaka-proud bilang artista na makatrabaho mo siya.”

Pokwang’s all priases for Ate Vi. Napaka-supportive daw nito kapag kaeksena mo siya.

“Minsan, kahit hindi siya kita (POV lang siya sa kamera) at breakdown scene ko ‘to, (nakita ko) umiiyak din siya. Ganon siya ka-supportive sa mga katrabaho niya. Napaka-professional po niya.” Alala ni Pokwang sa Star for All Seasons nu’ng una silang magkasama sa trabaho.

Showing na sa July 25 ang The Healing at hindi sinasadyang ito rin ang araw ng kaarawan ni Mang Dolphy.

—@@@—

HABANG paminsan-minsan lamang ang appearance ni Arron Villaflor sa ASAP 2012, isiningit nito ang paggawa ng isang indie film titled “DormBoys.” Sa titulo na lang ng istoryang idinirek ni Armand Reyes, mahuhulaang tungkol ito sa buhay-buhay ng mga estudyante.

Ang pinagdadaanan nilang hirap sa school, ang problema sa pamilya, sa lovelife at the usual escapades ng mga kabataan. Pinagsikapan nina Direk Armand at ng beteranong Production Designer na si Ben Payumo ang paghahatid sa manonood ng malapit sa katotohanang karanasan at ambience sa dormitoryo for boys.

Makalulusot ba ang encounter nila with gays? Abangan na lang natin when the movie premiers sa SM Megamall on July 27, 8pm.

Gagampanan ng mga gwapings na newcomers (except for Arron Villaflor) na sina Renz Michael, Arvic Rivero, Carlo Lazerna, Ryan Kevin at introducing rito ang anak ng producer na si Mark Lester Venegas.

—@@@—

AS OF presstime, nakahanda raw na magdemanda si Chito Alcid laban sa talent manager na si Anabelle Rama kaugnay ng kanilang pisikal na encounter sa lamay ni Mang Dolphy sa Heritage.

Sa Umagang Kay Ganda, sa segment ni Anthony Taberna na Punto Por Punto, sinabi ni Chito na kakausapin muna nito ang kanyang abogado hinggil sa isasampang kaso.

At sa DZMM Teleradyo naman, nasa teaser na nila ang pagsasampa ng kaso laban kay Tita Anabelle.

Saan na naman kaya hahantong ang kasong ito? Magpapaareglo kaya si Chito kapag may nagpadrino sa kanila? Ito rin ang kaabang-abang higit pa sa teleseryeng Kapag Pusoy’y Masugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply