Abiso Marikenyo: Water level sa Marikina River nasa normal pa rin

BUNSOD ng nararanasang pag-ulan sa lungsod at sa kanugnog na lugar nito, ipinababatid ng lokal na pamahalaan ng Marikina na kasalukuyang nasa 14.1 meters above sea level ang taas ng tubig sa Marikina River (as of  10:00 a.m.).

Alinsunod ito sa  water level monitoring gauge na matatagpuan sa ilalim ng Marikina Bridge sa Barangay Sto.Niño. (Ang nasabing sukatan ang siyang standard na batayan ng taas ng tubig ng Marikina River at ang katumbas na alarma nito.)

Sa kasalukuyan, nananatiling normal pa rin ang water level ng Marikina River at hindi pa magpapatunog ng alarma.

Ang alarm system ng Marikina ay ginagamit upang ipabatid sa mga residente ang kalagayan ng Ilog ng Marikina (water level). 1st Alarm – short intermittent for 30 seconds (10 seconds ascending, 10 seconds loud, 10 seconds descending); 2nd alarm – intermittent twice longer than 1st alarm; 3rd Alarm – continuous non-intermittent for 5 minutes. Critical level – alarm longer than that of 3rd Alarm.

Samantala, ikinatuwa naman ni Mayor Del De Guzman ang mahusay na drainage rehabilitation na ginagawa ng lokal na pamahalaan sapagkat sa kabila ng nararanasang pagbaha sa ibang lugar dulot ng walang tigil na pag-ulan sa magdamag hanggang sa kasalukuyang mga oras ay nananatiling walang naitatalang pagbaha sa lungsod ng Marikina at nananatiling nadadaanan ang lahat ng mga kalsada rito.

Upang hindi na mabasa ng ulan ang mga mag-aaral sa panghapon o afternoon shift at upang makauwi nang maaga ang mga nagkaklase sa pang-umaga o morning shift, kinansela na ni Mayor De Guzman ang klase ngayong araw sa afternoon shift o panghapon na klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya at sekondarya sa lungsod.

Samantala, sa kolehiyo naman ay ayon sa diskresyon ng paaralan.

Nananatiling naka-alerto ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa pag-antabay sa posibleng pagbaha. Ipinapaalala rin sa mga residente na patuloy na mag-ingat at maging alerto.

Para sa inyong katanungan hinggil sa abisong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Public Information Office sa telepono bilang 646-6451.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply