Abiso sa water level ng Marikina river

BUNSOD ng nararanasang matinding pag-ulan sa lungsod at sa karating na lugar, ipinababatid ng lokal na pamahalaan ng Marikina na ang water level ng Marikina River ay nasa 16.2 meters above sea level (as of 7:00 a.m.).

Ang basehan ng water level sa Marikina River ay ang stream gauge na matatagpuan sa ilalim ng Marikina Bridge sa Brgy. Sto. Niño, Marikina City.

Kasalukuyang nakataas ang ikalawang alarma sa lungsod matapos umabot sa 16 meters above sea level ang tubig sa Marikina River 5:00 pasado ng umaga.

Ang 1st alarm ay itinataas kapag ang antas ng tubig ay umabot sa 15 meters above sea level; itataas ang 2nd alarm kapag ang antas ng tubig ay umabot sa 16 meters above sea level; at itataas ang 3rd alarm kapag ang tubig ay umabot na sa 17 meters above sea level.

Kapag umabot sa 18 meters above sea level, itinuturing na nasa critical level ang antas ng tubig sa Marikina River. Ipatutupad na ang forced evacuation sa mga residente na nasa mabababang lugar sa lungsod.

Sa ngayon ay mayroon ng 404 katao o 70 na pamilya ang lumikas sa kanilang mga tahanan at ngayon ay nasa Buleklak Covered Court sa Brgy. Malanday. Ayon kay Mayor Del De Guzman, kanselado na rin ang klase sa lahat ng antas sa lungsod.

Samantala patuloy na nakaalerto ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa posibleng pagtaas pa ng antas ng tubig sa Marikina River kung patuloy ang nararanasang pag-ulan.

Pinapayuhan ang lahat ng residente na palaging umantabay at maging alerto sa lahat ng oras.

Para sa inyong katanungan hinggil sa abisong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Public Information Office sa telepono bilang 646-645.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply