Abogado ng CHR kritikal sa pamamaril sa QC

KRITIKAL ang kondisyon ng abogado ng Commission on Human Rights (CHR) na si Atty. Simplicio Abung nang pagbabarilin sa Mauban St., Barangay Manresa, Quezon City.

Nagtamo ng tama ng bala sa pisngi na tumagos sa leeg, braso at katawan si Atty Abung, 50.

Sa ulat sa radyo, papauwi na ang abogado mula sa Navotas. Sakay ng kanyang Mazda Pick-up (TJJ 502) nang may lumapit na lalaki sa kanya at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Agad namang naaresto ang suspek na si Jerwin Escalante, 24, trike driver habang dinala sa pagamutan ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply