Ex-PGMA naglagak na ng P1M piyansa

MAAARI nang makalabas anomang oras saVeterans Memorial Medical Center si dating Pangulong Gloria-Macapagal Arroyo matapos makapagpiyansa sa kasong electoral sabotage na inihain laban sa kanya.

Pagkatapos na katigan ng Pasay Regional Trial Court Branch 112 ang motion to bail na inihain ni Ginang Arroyo ay agad na nagtungo sa Office of the Clerk  ng naturang korte ang mga abogado nito sa pangunguna ni Raymond Santos  upang magbayad ng P1 milyon bail bond.

Bago ito, pinaboran ni Judge Jesus Mupas ng nasbaing korte ang motion to bail ni Arroyo habang ibinasura naman ang kay dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol.

Paliwanag ni Mupas, nabigo ang prosekusyon na magharap ng testigo makaraang mabatid na nawawala ang isa nilang saksi na si dating Maguindanao election officer Russam Mabang.

Sa ngayon, wala pang balita kung anong oras makalalabas ng VMMC si Ginang Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply