ABS-CBN TV reporter ninakawan

NILOOBAN ang bahay ng ABS-CBN TV reporter ng mga magnanakaw at natangayan ng mga mahahalagang gamit sa Mapayapa St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nabatid na pumasok ang mga magnanakaw habang nasa kahimbingan ng tulog si  Jay Ruiz  kasama ang kaniyang pamilya.

Natangay ng mga magnanakaw ang dalawang laptop, wallet, cellular phones, pera, relo at ilang mahahalagang gamit habang nilimas din ang mga gamit sa loob ng kanyang kotse.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridd kung sino ang responsable sa naturang pagnanakaw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply