Abusadong hukom sinibak ng SC

SINIBAK sa serbisyo ng Korte Suprema ang isang abusadong hukom sa Calamba City Regional Trial Court dahil sa pagiging guilty sa mgakasong grave abuse of authority and gross ignorance of the law bunsod nang panggigipit o harassment sa isang piskal.

Sa per curiam decision ng Supreme Court en banc ngayon, Hulyo 20, 2012, si Judge Medel Arnaldo Belen ng Calamba City RTC Branch 36 ay tinanggalan din ng lahat ng benepisyo maliban sa mga naipong leave credit.

Iginawad ang parusa laban kay Judge Belen dahil na rin sa kasong administratibo na inihain nina State Prosecutors Josef Albert Comilang at Ma. Victoria Suñega-Lagman dahil sa pagiging bias ng hukom, pag-abuso sa kapangyarihan at kawalan ng sapat na kaalaman sa batas.

Pinaboran naman ng Korte Suprema ang rekomendasyon ng Office of the Court Administrator na patawan ng dismissal si Judge Belen. Sinabi ng SC na hindi maaaring kunsintihin ang ganoong kawalan ng kakayahan at paulit-ulit na pagkakamali.

Nabatid na hindi nakaharap si Comilang sa mga pagdinig tuwing araw ng Huwebes dahil kailangan niyang gampanan ang inquest duties sa naturang araw sa Prosecutors Office ng Laguna.

Hiniling naman ni Comilang korte na ilipat sa ibang araw ang pagdinig upang siya ay makadalo ngunit imbes na pagbigyan ito ni Judge Belen ay pinagpaliwanag pa at pinagmulta pa ito para sa kanselasyon ng lahat ng naunang pagdinig.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply