Abuso sa suspensyon ng klase

TAMA lang na maagap ang mga kinauukulan na magdesisyon nang maaga kung sususpindehin o hindi ang klase sa mga paaralan.

Ito Ang Totoo: napakahalaga ng buhay ng tao kaya dapat mailayo sa peligro sakaling may posibleng parating.

Pero hindi ito dahilan para maging daan sa walang pakundangang suspensiyon ng klase sa mga paaralan.

Ang Metro-Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija ay halimbawa ng pwedeng tamaan ng mga pagpapakawala ng tubig sa mga Dam.

Ang sobrang tubig na dala ng malakas na pag-ulan at kasabay ng high tide, ay magpapaapaw sa mga ilog bago pa makarating sa dagat kaya’t nalulubog ang maraming bayan at ang suspensiyon ng klase ay maaa-ring magtakda ng buhay at kamatayan.

Pero ang Olongapo City ay may maliliit na ilog lang na magkaka-rugtong pa, kasama na ang sa Brgy. Cabalan, Brgy. Sta. Rita at Brgy. Kalaklan, kung saan naroon ang bunganga na nakanganga sa dagat, partikular sa Subic Bay.

Ang pag-apaw ng nabanggit na river system kapag tag-ulan ay hindi na bago sa ilang bahagi ng ilang barangay ng lungsod subalit sampu o higit pa sa 17 barangay nito ay hindi basta-basta maaapektuhan.

Gayunman, makailang ulit na sa nakaraang maiksing panahon na idineklarang nasa kritikal leve ito kaya sinuspinde ni Mayor Bong Gordon ang klase sa lahat ng level ng paaralan sa lungsod.

Itong ginagawa ni Mayor Gordon ay malinaw na halimbawa ng walang pakundangang pagdedeklara ng walang pasok sa mga paa-ralan. Ito Ang Totoo: mapapasama nga naman sa mga balita sa radyo, tv at diyaryo ang pangalan ni Gordon kung magdedeklara siya ng suspension ng klase.

Ganoon na ba ka-desperado si Bong Gordon kaya kahit pag-aaral ng mga bata ay isasakripisyo mapasama lang sa balita dahil nalalapit na ang eleksiyon? May katwiran na ipaubaya sa mga lokal na awtoridad ang pagdedeklara ng suspensiyon ng klase para nga naman mabilis pero dapat may mekanismo rin para masala kung ang lokal na awtoridad ay nagsasamantala na dahil lang sa sariling agenda.

Pinahaba na nga ng K-12 ang panahon sa paaralan dahil mukhang bitin sa natututunan ang mga estudyante tapos, dahil lang sa pulitika, kundi katangahan, ng ilang lokal na nakaupo sa pamahalaan, lagi na lang walang pasok ang mga mag-aaral?

Itong aspetong ito ay dapat tingnan ng DepEd, DILG at iba pang sangay ng pamahalaan. Ito Ang Totoo!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply