Active LPA magiging ganap na bagyo – PAGASA

AYON sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), malaki ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang aktibong low pressure area sa Casiguran, Aurora loob ng 12-24 oras.

Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa layong 640 kilometro ng Silangang bahagi ng Casiguran, Aurora.

Sa pagtaya ng PAGASA, magdudulot ng malawakang pag-ulan sa Silangang bahagi ng Luzon ang sama ng panahon.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon kasama ang Kalakhang Maynila at maging sa Visayas at Mindanao ay pauulanin naman ng Hanging Habagat kaya naman nagpaalala ang PAGASA na mag-ingat sa mga pagbaha.

Binabantayan ngayon ng PAGASA ang aktibong sama ng panahon na sa oras na maging ganap na bagyo ay tatawaging Ferdie.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply