ADEM, UP, DLSU: Best spokening dollars daw

THE best daw na spokening dollars ang Ateneo, UP at De La Salle sa Pinas.

Dehins yata ako makapaniwala riyan.

Sa tingin ko, mas okay pa ang mga inglesero ng Montessori schools na nagsusulputang mga kabute ngayon.

Ang Atenistang convicted Supreme Court chief justice nga ay hindi alam ang difference ng debit at credit sa wikang Ingles kaya ako ay duda sa survey na ito.

Gets niyo ba yan?

Dapat, knowing na nga ‘yan ni ex-CJ Renato Corona kung ang sukatan ay mastery of English at ang dictionary, pero dehins naman pala.

Tsaka hindi papayag diyan ang UST, UE, FEU, Lyceum, Mapua, Holy Mamaw, Sinful (Saint Paul, kasi ang mga jeepney driver sa Herran ay hindi ma-pronounce ang pangalan ng school na ito), Miriam (hindi si Santiago), Santa Isabel, PNU (Philippine Normal University) at katakot-takot pang mga paaralang may surplus ng mga matatalino sa ating bansa.

Alaws naman akong mabigat na reklamo sa mga inglesero ng UP, Ateneo at DLSU.

Kaming mga taga-Arellano U, okay lang sa amin ‘yan.

Kahit na bar top notcher din ang mga taga Arellano.

Hindi rin papayag ang Don Bosco na karamihan ay nag-college sa UP, Ateneo, at DLSU.

Sino ba ang gumawa ng survey na yan, papuntahin nga ninyo rito sa Pinas ang mga nag-survey na ‘yan at nang makilatis namin ang mga iyan.

Nakikinig ba kayo sa mga impromptu speech ng ating mga congressman at mga senador?

Mga batang Pe-Yups (UP) ang marami sa kanila.

Ang iba ay Atenista pero mali-mali ang Ingles. Mali ang grammar at, ang masakit pa riyan, ay mali-mali pa ang mga adhikain nila sa buhay.

May mga taga-Congress na rapist, illegal logger, jueteng lord, smuggler at kung ano-ano pang kabalbalan na ginagawa nila.

Ang Ingles ay hindi natin katutubong wika, maski itanong mo kay Kris Aquino.

Itanong din ninyo sa mga yaya ng mga batang laki sa layaw.

Ang problema sa atin ay kapag mahusay kang mag-Ingles, ituturing kang matalino.

Kung katutubong wika ang iyong salita, malamang, pagtatawanan ka ng marami.

Bobo, sasabihin nila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply