AFP: 30 Chinese vessels wala sa teritoryo ng Pinas

NILINAW ngayon ng Armed Forces of the Philippines Western Command (AFP-WESCOM) na wala sa teritoryo ng Pilipinas ang 30 Chinese fishing vessel matapos na pangambahan ang tila pagpasok ng mga barko ng China sa Spratly Island.

Ayon kay WESCOM Commander Lt. Gen. Juancho Sabban, 100 milya mula sa Pag-asa Island ang Kagitingan Reef at matagal na itong inookupa ng China.

Ipinaliwanag pa ni Sabban na kung susukatin ang kinalalagyan nito, aabot sa mahigit 300 nautical miles ang layo ng Kagitingan Reef sa Puerto Princesa, Palawan na lagpas na sa 200 nautical mile Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Tiniyak nilang may mga naka-deploy ng barko ng Philippine Navy at Coast Guard sa Spratly Islands para magpatrulya at arestuhin ang sinomang papasok sa teritoryo ng bansa.

Samantala, kaugnay naman sa pagsadsad ng navy vessel ng China sa Hasa-hasa Shoal na pasok sa EEZ ng bansa, posibleng dumadaan lang ito at hindi naman talaga nag-angkla sa sakop ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply