AFP, NCRPO at MMDA sanib-puwersa sa SONA

MAGSASANIB-PUWERSA ang National Capital Regional Police Office (NCRPO), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matiyak ang seguridad sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa Lunes, Hulyo 23.

Ayon kay NCRPO chief Director Alan Purisima, plantsado na ang seguridad para sa SONA sa Batasan Pambansa Complex at sa bisinidad nito kung saan bahala ang pulisya sa pamamahala sa inaasahang libo-libong raliyista na sasabay sa pagtuligsa sa talumpati ng Pangulo.

Nakahanda na ang buong puwersa ng district public safety battalions mula sa limang police district sa Metro Manila at regional public safety battalion ng NCRPO.

Bukod sa dalawang nabanggit na unit ng Metro Manila police, tutulong din ang MMDA at AFP sa pagtiyak na maayos ang SONA.

Bahala umano ang MMDA sa maayos na pamamahala sa daloy ng trapiko at pagsasagawa ng re-routing habang ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) naman ang bahala sa pag-alam ng mga posibleng panganib laban sa Pangulo o sa ibang delegado.

Sinabi ni Purisima na makakasama rin nila ang ilan sa mga tauhan ng Commission on Human Rights para matiyak na walang malalabag na karapatan sa pagitan ng mga awtoridad at raliyista sa nasabing araw.

Upang matiyak naman na alam ng mga pulis ang gagawin, muling isinailalim ang mga tauhan ng CDM sa “seminar workshop” ukol sa “human rights for the CDM.”

Tiniyak ni Purisima na magpapatupad sila ng “maximum tolerance” sa mga raliyista.

Nanawagan din sila sa grupo ng mga militante na tiyakin rin na hindi lalabag ang kanilang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply