Agawan sa teritoryo: Indian itinumba

DAHIL sa away sa teritoryo ng pautang, isang Indian national ang binoga ng dalawang hindi nakikilalang armadong kalalakihan sa Quezon City, kagabi (Hunyo 6).

Nagtamo ng apat na tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Sukhdev Singh residente ng Kasayahan St., Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Blangko pa ang mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kung sino ang pumatay kay Singh pero may hawak silang impormasyon na kababayan nito ang mga salarin.

Sa ulat na CIDU, naganap ang insidente dakong alas 8:30 nitong Biyernes ng gabi sa isang bisinidad sa Kasayahan Street.

Bago ito, lulan sa kanyang motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin ng mga suspek na lulan din sa kanilang motorsiklo.

Hinala naman ng CIDU investigators na hindi panghoholdap ang motibo sa pagpatay kay Singh dahil hindi kinuha ng mga suspek ang pera nito.

Naniniwala naman ang kamag-anak ng biktima na ang insidente ay may kaugnayan sa pagpapautang ni Singh sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply