Aktibong sama ng panahon sa E. Samar, bagyo na

GANAP nang bagyo ang aktibong low pressure area sa Silangan Hilagang-Silangan ng Borongan, Eastern Samar kaya naman pinayuhan ng PAGASA ang mga mamamayan sa mga maapektuhang lugar na mag-ingat.

Ayon sa PAGASA, palalakasin ni Gener ang Hanging Habagat na siyang magpapaulan sa Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.

Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng Bayong Gener sa layong 250 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay ni Gener ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras habang kumikilos pa-Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply