Aktor na walang urbanidad!

REYNANG-REYNA ang dating ni Anne Curtis dahil top 1 sa Yes! 2012 100 Most Beautiful Stars. Hindi lang sa kanyang mapanuksong lips na ala-Angelina Jolie kundi sexy at namamayagpag ang career. Ilan sa mga sinundan ni Anne ay sina Judy Ann Santos (2007), KC Concepcion (2008), Marian Rivera (2009), Kim Chiu (2010) and John Lloyd Cruz (2011).

Kapansin-pansin na out at wala si Derek Ramsay sa Yes! 100 Most Beautiful Stars. Pero ayon kay Ma’am Jo-Ann Maglipon, choice nila ‘yun at ng kanyang staff. Hindi rin nila basehan na pag hindi nakasama sa pictorial ay out na.

Ilan sa mga kasama sa 100 stars na dumating sa presscon sa Eastwood Richmonde Hotel ay sina Erich Gonzales, Kris Bernal, Lovi Poe, Janine Gutierrez, Gabby Eigenmann, Kristoffer Martin, Bea Binene, Joyce Ching, Rocco Nacino, Rochelle Pangilinan, Alice Dixson, Cherry Pie Picache, Jake Cuenca, Kylie Padilla, Derrick Monasterio, Jake Vargas, Ritz Azul, Mart Escudero, Martin Del Rosario, Edgar Allan Guzman, Dimples Romana, Carl Guevarra, Bela Padilla, Ronnie Lazaro atbp.

Si Sam YG ang host na minsa’y pinagtatawanan lalo’t nagkamali siya sa pagbigkas ng apelyido ni Bea Binene. Nakita rin namin dun ang lawyer na na-link kay Bea na si Atty. Ferdinand Topacio. Nagkataon lang daw na nasa isang okasyon sila.

“I just feel so blessed,” deklara ni Anne sa pagiging Cover Girl ng 2012 100 Most Beautiful Stars.

Isa rin sa ipinagpapasalamat ni Anne ang pagkakasali sa isang indie movie sa Hollywood na ‘Blood Ransom’. Isang magandang experience dahil nameless siya run bagamat sikat siya rito sa Pinas.

“Lahat kami pantay-pantay lang. I’m starting from ground zero again. It was just so refreshing in a way na parang iba, e. Ewan ko, parang iba ‘yong experience,” sambit niya.

Walang kaso kay Anne sa sinasabi nilang B-movie o maliit ang budget ang pelikulang ginawa niya sa Hollywood. May natutunan naman daw siya sa karanasan niyang ‘yun lalo na’t iba ang sistema nila ng shooting dun pati na rin sa oras.

Sey pa ni Anne sa presscon, dance concert na lang daw ang kulang sa career niya.

‘Yun na!

-0o0-

IKINATUWA ng marami ang pagbubunyag nina Angel Locsin at Phil Younghusband na “official boyfriend-girlfriend” na sila noon pang May 27.

“Kung dati ay exclusively dating lang kami, ngayon selyado na ang relasyon namin, official na,” sey ni  Angel. “We’re sweethearts and we have never been both happier.”

Matatandaang nagsimula ang kanilang unofficial romance noong Pebrero ng nakaraang taon sa isang tweet galing kay Phil na nagtatanong kung pwede niyang maaya si Angel sa isang date. Nang pumayag ang award-winning actress, roon na nga nagsimula ang kanilang mutual understanding.

“Angel is not just the woman I love – she’s my greatest fan and my best friend as well,” dagdag ni Phil. “I want a future with her, but we both think that a wedding plan is not yet on our list.”

Samantala, kung sa tunay na buhay ay sobrang saya ni Angel kasama si Phil, magiging magulo naman ang buhay ng kanyang karakter sa TODA Max bilang si Isabel na napapanood tuwing Sabado sa ABS-CBN 2 sa bagong oras nito, pagkatapos na ng X Factor Philippines.

-0o0-

NALUNGKOT ang isang dating actor dahil dinaan-daanan na lang daw siya ni Joem Bascon. Matuk mo, hindi siya nakilala at nakipag-unahan pa sa pag-ihi.

Sa pagdiriwang ng kaarawan ng isang direktor ay walang pasintabi raw itong sumingit sa pila sa mga gustong pumunta sa comfort room para jumingle. Hindi niya namalayan na nasa unahan pa ang dating actor.

“Hindi ko na siya inawat at sinita para wala nang gulo. Hindi niya ako siguro nakilala. Pero ganoon talaga ang buhay dahil sila ang in ngayon,” kuwento pa ng former actor na gustong bumalik ulit sa sirkulasyon.

Pero next time daw sana ay magpaalaam o makiusap itong si Joem na mauuna na siya dahil ihing-ihi na siya. Hindi ‘yung parang walang nakikita kahit may pila.

Klaro?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply