Alden ‘di mapigilang halikan sa lips si Louise

MATURE actor na si Alden Richards pagdating sa kissing scenes. Palaban na rin. Kung kahalikan niya kasi si Louise delos Reyes sa “One True Love,” hindi siya nagsasawang halikan ang lips nito. Super lambot daw at super fresh pa ang lips sa halikan.

Sa pagsasabing super fresh ng lips ni Louise, natawa mismo ang dalaga sa tinuran ng kanyang fave leading man.

Bago kasi ang unang kissing scenes nila sa One True Love, pareho silang nag-spray sa bibig ng mint flavor mouth freshener. Una raw ginawa nila ito ni Louise sa “Alakdana,” ang first soap nila bilang mag-love team.

Dahil daw sa mint flavor na mouth freshener, may pagkakataon na nasira ang tiyan ni Alden dahil nasobrahan daw sa pag-spray nito.

Sa first kissing scenes nila sa One True Love, na-take two lang silang dalawa. Hindi dahil nagkamali sila sa timing ng halikan, bagkus kailangan lang kunan ng iba’t ibang angle ng director. Madali nilang nakuha ang tamang timing at feelings kaya pasado agad sa director.

Kampante na sina Alden at Louise sa isa’t isa pagdating sa mga maromansang tagpo. In fact, kita namin ang kanilang closeness sa isa’t isa sa set ng One True sa Lipa City, Batangas.

Panay biruan ang dalawa, tapos ibinulong pa sa amin ni Louise na kapag kissing scene ay nag-e-enjoy si Alden sa lips niya. Nang sabihin namin kay Alden ang ibinulong ni Louise ay natawa ang young actor. Paano raw, kahit sinong lalaki ay magugustuhang halikan ang isang kasing gandang tulad ng young actress. Naku, may patutungahan kaya ang closeness nilang ito?

Anyway, hindi naman pagdududahan ang feelings nila sa isa’t isa sa mga eksena ng One True Love. Kaya naman paborito na silang panoorin sa evening primetime. Balita namin ay no.1 na ang show sa rating sa timeslot nito.

***

Richard Gutierrez pansamantalang pumalit kay Rep. Manny Pacquiao

PANSAMANTALANG pumalit si Richard Gutierrez sa paghu-host ng Manny Many Prizes last Saturday na ginawa sa Malate gymnasium sa Manila. Tulad ni Manny si Richard na hindi marunong magtipid sa pamimigay ng pera bilang gantimpala sa mga live audience contestants, gayundin sa mga nanonood sa telebisyon na puwede ring manalo ng libo-libong pisong premyo. Panauhin sa nasabing episode ang tambalang Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

000

Dolphy, binigyan ng tribute sa Game N’ Go

LAST Sunday sa programang Game N’ Go, iniayon ang mga dance numbers at kantahan sa mga paborito ng yumaong si Comedy King Dolphy. Kabilang dito ang Mambo, Puruntong Dance, at ilang sayaw sa critically acclaimed movie na Markova. Kasama na nagtanghal sina Ritz Azul, Arci Munoz, Nadine Samonte, Empoy, Caloy Alde, at Bayani Casimiro.

Naroon pa rin ang mga hinahangaang games ng Game N’ Go na hosted by Edu Manzano, Joey de Leon, Arnel Ignacio, Gelli de Belen, Shalani Soledad, Daniel Matsunaga, at Monica Sta. Maria. Naglaro rin sa games ang mga dating kasama ni Dolphy sa programa niya. Siyempre, ‘di makalilimutan ng Kapatid Network si Pidol dahil certified Kapatid star ang Comedy King.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply