Alden Richards, may 5 pelikulang gagawin!

SOBRANG saya ni Alden Richards nang malaman niya sa kanyang handler na may limang pelikula siyang gagawin.

Gagawin niya ito simula ngayong 2012 hanggang 2013. Balitang may nakalaan nang project ang aktor sa Regal Films na pang-film festival. Sabi’y sa tatlong episode ng Shake, Rattle and Roll, may episode si Alden na siya ang bida.

Nang huli naming nakausap si Mother Lily Monteverde ng Regal, nasabi niyang bukod-tanging ang Shake, Rattle & Roll movie lang ang entry niya sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Bukod pa rito, nababanggit ang pangalan ni Alden Richards na maaaring makasama sa unang tambalang movie nina Marian Rivera at Coco Martin, ang “Hanggang Ngayon,” na ididirek ni Maryo J. delos Reyes na magsisimula nang i-shoot sa August 4.

Mismong ang anak ni Mother Lily Monteverde ang nagbanggit sa press na under negotiation ang pagpasok ni Alden sa movie kaya may posibilidad na may malaking role ang teenage aktor sa movie.

Samantala, ang biglaang pagsikat ngayon ni Alden Richards ay bunga ng success ng “One True Love” soap nilang dalawa ni Louise delos Reyes. Ipinasabi na kay Alden ng production ng GMA network na extended ang One True Love sa ere for another two weeks.

Kasi, ayon sa rating game, ang One True Love ay pataas nang pataas ang ratings. Lumalaban talaga sa mga kala- bang programa kaya binigyan agad ng extension sa ere para patuloy na ipalabas.

Utang nina Alden at Louise ang success ng One True Love sa kanilang libu-libong fans na patuloy na tumatangkilik sa kanilang love team. Nagsimula sila sa “Alakdana” na tinanggap naman agad at naging top rating sila sa af- ternoon soap ng network.

000

Pidol Wonderland, patuloy pa ring mapanonood kahit wala na si Dolphy

IPINAGBIGAY-ALAM ni Mr. Perci Intalan, head ng entertainment production ng TV5, na kahit wala na si Dolphy ay patuloy pa ring mapanonood ang Pidol Wonderland dahil sa magandang pagtanggap ng tao sa kanilang show na ito.

Ang buong concept ng programa ay galing sa anak ni Pidol na si Eric Quizon kaya kahit wala na ang dakilang komedynte ay puwede pa ring mapanood ang kanyang programa.

Sabi ni Perci, noon pang September last year ay hindi na nakapagte-taping ng programa si Dolphy pero tuloy pa rin ang airing nito.

Nang dinalaw ni Perci si Dolphy sa ospital, malakas pa raw ang comedian. Naikuwento nitong may special participation pang gagawin sana ito sa bagong pinakamalaking soap ng TV5, ang  Enchanted Garden. Simpleng cameo role lang.

Okay naman ang response nito kay Perci. Tumango lang daw ang Comedy King. Laking panghihinayang ni Perci na hindi na nakapagtaping ang comedian at biglang nanghina na.

Habang nasa ospital ito, sinabi ni Perci kay Direk Eric Quizon na bukas ang pintuan ng TV5 kung anomang tulong ang mgagawa nila kaya umalalay talaga ang TV5 kay Dolphy habang nasa ospital ang comedian.

000

Bea Binene, Derrick Monasterio, Barbie Forteza at Kristoffer Martin rumaratsada sa ratings game

PAMBATO na talaga ng Kapuso Network ang mga Tween Stars na sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Barbie Forteza at Kristoffer Martin. Aba, milagrong rumatsada sa ratings game nang pumasok na ang characters nila sa “Luna Blanca” na mapanonood pagkatapos ng 24 Oras, Monday to Friday.

Undeniable na No. 1 sa primetime ng Kapuso Network ngayon ang nasabing soap. Halos naalpasan o pumapantay na ang Luna Blanca sa kalaban nito sa rating games sa pinakamalapit nitong katapat na programa.

Nakakikilig naman talaga ang pa-tweetums na mga characters na ginagampanan nina Bea, Derrick, Barbie, at Kris- toffer. Pagdating sa drama, kita mo ang galing humugot sa mga maemosyong eksena nina Bea at Barbie. Maging sina Derrick at Kristoffer ay may pinaghuhugutan na rin.

Nahahasa na talaga ang dalawa sa mga mabibigat na drama scenes.

Parang may balon sa pagluha sina Bea at Barbie kaya sinabi ni Direk Dominic Zapata, na ngayo’y kasalukuyang director ng Luna Blanca, na pagalingan o patalbugan sina Bea at Barbie sa pag-arte. Ayaw daw pasapaw ang bawat isa sa drama.

Magugustuhan nga ang Luna Blanca ng mga manonood dahil ginastusan talaga ang programa. May dalawang unit ang soap opera. Magkaibang lugar isinu-shoot ang magkaibang daigdig nina Luna at Blanca. Siyempre, si Bea ay si Luna at si Barbie ay si Blanca. Imagine si Bea ay naka-location sa Silang, Cavite, samantalang si Barbie ay sa Antipolo o sa Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply