Alden Richards next important leading man ng GMA7!

KABILANG si Alden Richards sa grupo ng stars ngayon ng GMA7 na tinaguriang ‘Big Thing’. Ibig sabihin, isa siya sa nakalinyang payabungin nang husto ang star power.

Kinakitaan agad kasi ng hatak sa fans si Alden ng Kapuso Network at balitang nangunguna ngayon sa primetime ng nasabing network ang One True Love, ang second team up sa soap nila ni Louise delos Reyes.

Nagsimulang umalagwa ang team up nina Alden at Louise sa afternoon soap na Alakdana. Imagine, unang sabak sa telebisyon ng young actor ang Alakdana, tapos si Louise ay first starring role naman niya ito pagkatapos ng Tween Hearts. Pero hit ang soap sa masa kaya isinama agad sila bilang second love team sa My Beloved.

000

Lovi Poe matatapos na sa shooting ng ‘Guni-Guni’

KAHIT di pa nagsisimula sa bagong soap opera si Lovi Poe, busy pa ang anak ni Da King Fernando Poe Jr. sa kanyang showbiz career. Pinagkakaabalahan ng aktres ngayon ang movies. Aba! nakakalimang pelikula na siyang ginagawa ngayong taon.

Matatapos na niya ang ikatlong movie n’yang “Guni-Guni” sa Regal Films na kapartner ang baguhang Kapuso Hunk na si Benjamin Alves.

Sisimulan niyang pareho ang “Lihis” na kapartner niyang muli ang nali-link sa kanya ngayong si Jake Cuenca na unang nag-team-up sila sa “My Neighbor’s Wife.” Samantala, gagawin na rin niya ang My Bride and My Lover, kung saan kasama ni Lovi sina Jennylyn Mercado at Paulo Avelino.

Lumalabas rin si Lovi ng weekly sa Party Pilipinas.

000

Planet Earth ng BBC, nasa GMA News TV na!

MAGSISIMULA na sa GMA News TV ang pinakamalaking natural history series ng BBC, ang Planet Earth, sa ika-7 ng Hulyo, Sabado. Mapanonood sa una nitong pagtatanghal ang From Pole to Pole, sa pagsasalaysay sa wikang Filipino ni GMA News TV anchor at environmentalist Raffy Tima.

Dinala ng BBC ang kanilang mga camera sa mga lugar kung saan makikita ang tindi ng impluwensiya ng araw sa buhay ng mga hayop at halaman at sa paghubog sa kabuuan ng ating planeta. Gamit ang pinakabagong teknolohiya, hatid ng From Pole to Pole ang isang natatanging pagsasalarawan sa mundo.

Matapos ang mahabang taglamig, nakamamangha ang epekto ng pagdating ng araw sa Arctic. Lumabas ang isang inang polar bear mula sa kanyang lungga, kasama ang dalawang batang oso. Sa loob lamang ng dalawang linggong paghahanda, kailangan nitong gabayan ang mga anak patawid sa nagyeyelong dagat na unti-unti nang natutunaw. Nasubaybayan ng mga camera ng Planet Earth ang kritikal na yugtong ito sa buhay ng mga oso.

Ang pabago-bagong panahon ay nagtutulak sa pinakamalalaking paglikas o mass migration ng mga hayop sa iba’t ibang panig ng mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply