Alegasyong game fixing sa PBA pinaiimbestigahan sa Kamara

PINAIIMBRSTIGAHAN ng isang mambabatas sa Kamara ang alegasyon ni Barako Bull center Don Allado na niluluto umano ang mga laro sa Philippine Basketball Association (PBA).

Naniniwala si Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Mark Sambar na dapat magpaliwanag si Allado at ang pamunuan ng PBA upang malaman ng publiko kung ano ang pinag-ugatan ng alegasyong maaaring makasira sa imahe at kredibilidad ng liga.

Irerekomenda rin ni Sambar na siya ring vice chairman ng House committee on sports development na i-full media coverage ang pagdinig upang maiwasan ang pagdududa ng taumbayan.

Ayon kay Sambar, susuportahan din niya ang pamunuan ng PBA kung nais nitong magkasa ng sariling imbestigasyon sa nasabing isyu.

Gayunman, hindi umano tama na parusahan si Allado dahil sa pagbubunyag nito.

Dahil sa alegasyon, suspindido si Allado ng isang conference at pinagmumulta pa ng P500,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply