Alert level vs dengue idineklara sa GenSan

BUNSOD ng patuloy na paglobo ng kaso ng dengue sa General Santos City ay idineklara na ang alert level sa lugar.

Ayon kay City Health Officer Dr. Edgardo Sandig, siyam na ang naitalang namamatay dahil sa nasabing sakit kung saan ang huling biktima ay isang tatlong taong gulang na batang lalaki.

Base sa ipinalabas na listahan, nabatid na pawang mga bata ang tinamaan ng naturang sakit.

Tatlo ang namatay sa Mula sa Barangay Labangal, habang sa Bula, Mabuhay, Calumpang, Dadiangas North, Lagao at San Isidro ay may tigi-tig-isang naitalang patay.

Naitala naman ang pinakamaraming kaso ng sakit ang Barangay Labangal, Calumpang, San Isidro, Lagao, Apopong at Fatima na may pinakamaraming populasyon.

Nananawagan ngayon ang provincial government katuwang ang Department of Health (DOH) sa mga residente sa mga nabanggit na barangays sa lalawigan na makipagtulungan sa pagpuksa ng lamok na may dalang dengue.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply