Alex Gonzaga, taob ang starlet na si Eula Caballero

TODO-TODO ang build-up ng TV5 sa kauna-unahang nilang original talent na si Eula Caballero (yes, siya lang yata ang artistang hindi pinayrate ng Singko sa ibang network). Pero may milagro bang nagaganap sa career ng babaeng ito na bida raw ngayon sa Third Eye? Waley! As in wala pa ring progress na isinama na nga’t lahat-lahat noon kay American Idol winner David Archuleta sa teleseryeng Nandito Ako ay starlet category pa rin.

Kumpara kay Eula, ‘di hamak na mas malayo na ang narating ng daughter ni Mommy Pinty na si Alex Gonzaga and still siya pa rin ang Nag-iisang Drama Princess ng Kapatid network. Yes, nagmarka talaga sa televiewer ang Babaeng Hampaslupa ni Alex at inaabangan naman ngayon ng kanyang mga fans ang balik-tambalan nila ni Martin Escudero para sa Fantaseryeng Enchanted Garden and for sure, sa lahat ng mga bagong showS ng TV5, tanging ang nasabing serye lang ang papalo sa ratings!

‘Yung kay Eula at maging ang Artista Academy, ngayon pa lang ay nakikiramay na kami dahil siguradong tigbakers ang mga ito sa rating games. I am very pretty sure gyud!

***

WALA talagang makatatalbog sa achievements ng longest running noontime musical-variety program ng GMA na Eat Bulaga.

Imagine, kahit pala ang ibang asian countries ay interesado na ring mag-franchise nito at ang buena mano nga ay ang Indonesia at so far, mukhang plantsadung-plantsado na ang deal nila kaya nagpunta na roon sina Ma’am Malou Choa Fagar para i-finalize ang lahat ng details.

Nakatutuwang meron din silang mga characters ng EB roon at approved naman kina Ma’am Malou ang lahat-lahat ng details.

Sa bonggang developments na ‘to sa career ng hot property ng TAPE Inc., mukhang magtutuluy-tuloy nang ma-penetrate nila ang international market.

Congratulations to the EB people, you’re doing great and I’m so happy for you guys!

This early, marami na talaga ang curious kung ano ang magiging hitsura ng counterparts roon ng formidable troika ng EB na sina Bossing Vic Sotto, Mr. Joey de Leon at Senator Tito Sotto.

‘Yun na!

Hahahahahahahaha!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply