Alitan sa lupa ugat ng patayan sa GenSan-PNP

ALITAN sa lupa ang itinuturong ugat sa sunod-sunod na kaso ng patayan sa lungsod ng General Santos, ayon sa Philippine National Police.

Ayon kay City Police Director Senior Supt. Cedrick Train, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na awayan sa lupa na matagal ng naging problema ang dahilan ng pinakahuling patayan sa lungsod na ikinamatay ng dalawa.

Kaugnay nito, inatasan ni Senior Supt. Train ang kanyang mga chief of police na palakasin pa ang monitoring at bantayan ang mga lugar na may napabalitang nag-aagawan sa lupa na sinasabing ancestral land na maraming grupo ang umaaangkin.

Napag-alaman na huling pinagbabaril sa lungsod ay nakilalang si Jaime Vicelles, 53-anyos, dating empliyado ng barangay Fatima matapos pagbabarilin ng riding in tandem. Patay din si Joy Cedenio, 38-anyos na pinagbabaril din ng riding in tandem habang naglalakad matapos makalaya sa kulungan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply