All white event ang libing ni Dolphy mamayang hapon

MAMAYANG hapon na ang libing ni Comedy King Dolphy sa The Heritage Park sa Taguig City at ang maging tema nito ay “all white event”.

Inaasahang nakasuot ng puting damit na paboritong kulay ni Dolphy ang lahat ng miyembro ng pamilya nito kabilang na ang mahigit na dalawang dekadang partner na si Zha Zha Padilla at maging ang malalapit na kaibigan nito lalo na sa showbiz.

Ayon sa Quizon family, isasakay ang labi ni Pidol sa puting karo na hihilahin ng apat na kabayo bago dadalhin sa puntod nito na ilang metro lamang ang layo sa chapel ng Heritage Park.

Una nang sinabi ni Eric Quizon na ayaw nilang lumayo pa sa lugar ng burol upang makaiwas sa aberya at par ana rin makaiwas sa mahabang parada sa kalsada na makakaperwisyo lamang sa trapiko.

Samantala, humingi ng pang-unawa sa mga tagahanga at publiko ang pamilya Quizon sa pagiging pribado ng libing ng Comedy King dahil nais lamang nilang maging simple at solemn ang okasyon ngunit bukas naman ito sa live coverage ng mga media na maaaring abangan na lamang ng mga fans.

May 500 media ID lamang ang ipinamahagi ng pamilya Quizon para sa mga mamamahayag na magko-cover sa libing ng kanilang ama.

Dakong alas-10:00 kaninang umaga, ikinasa ang misa sa pangungunahan ni Fr. Tito Caluag at isusunod na ang libing bago mag-alas-2:00 ng hapon.

Gawa sa Jet Black granite na binili pa sa Italy ang finishing touches ng nitso ni Dolphy na may taas na 1.3 metro, lapad na 1.1 metro at habang 2.5 metro na nakalagay sa gitna ng 39-square meter estate lot na na tinapos ng mga trabahador hanggang kagabi lalo na ang landscape at imahe nito sa likod ng kanyang nitso.

Pumanaw si Dolphy nitong nakaraang Martes ng gabi, Hulyo 10, dahil sa komplikasyong dulot ng anim na taon niyang pakikipaglaban sa chronic obstructive pulmonary disease.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply