Allen Dizon ‘di lang magaling na actor, good provider pa ng kanyang pamilya

SUCCESSFUL dramatic actor na si Allen Dizon, ang dating sexy actor. Ngayo’y tinitingala na sa showbiz dahil sa kanyang sunud-sunod na award-winning performances sa mga movie na Dukot, Deadline at iba pa.

Ngayo’y successful businessman din siya dahil may dalawang franchise restaurant business siya sa San Fernando, Pampanga, kung saan dito ang roots ni Allen.

Ang kapalaran ni Allen sa showbiz ay mahahalintulad na rin sa ibang actor na hindi bulagsak sa buhay at ang lahat ng pagtitiyaga sa showbiz na pinaghirapan ay may naipundar para sa kinabukasan niya at ng kanyang mga anak.

Si Allen ay may tatlong anak at happily married sa kababayan niyang maybahay. Nasa high school na ang kanyang panganay at ‘yung dalawa ay nasa elementary pa lang.

Sabi ng actor sa premiere night ng Migrante, naging inspiration niya para magsikap sa buhay ay ang kanyang pamilya, kaya wala siyang tinatanggihang project hangga’t kanyang makakaya. Tulad ngayon, may ipinalalabas pa siyang soap opera sa ABS-CBN, ang Princess and I.

Kung sa Migrante ay bida sila ni Jodie Sta. Maria, sa soap opera naman ay laging markado ang mga roles niyang ginagampanan. Laging may highlights ang kanyang character at dito niya naipakikita ang galing niya bilang dramatic actor.

Ang Migrante movie ni Allen ay kinunan pa sa Israel ni Direk Joel Lamangan. Kailangan nilang mag-shoot doon dahil buhay ng isang OFW na nawawala sa Israel ang takbo ng istorya.

000

BB Gandanghari kayang gampanan pareho ang pagiging tunay na lalaki at isang tunay na babae

PINAKA-IN DEMAND na artista ng bagong soap ng TV5, ang Enchanted Garden, sa press si BB Gandanghari (aka Rustom Padilla). Pinagkaguluhan talaga siya ng mga showbiz columnist para hingan ng kanyang mga kuru-kuro sa mga latest happenings sa kanyang buhay.

Nasabi ni BB Gandanghari, markado ang role niya sa Enchanted Garden. Lalabas kasi siyang lalaki rito as in lalaki at lalabas rin siyang babaeng-babae. Challenge sa kanya ito bilang artista. First time niyang gagawin ito sa isang soap opera na na tumatalakay sa kalikasan. Tinagurian nga ang Enchanted Garden bilang Eco-fantasia. Kasi, tumatalakay ang istorya sa kahalagahan ng pag-aalaga ng kalikasan.

Katwiran ni Rustom, artista siya at gagawin niya lahat para ipakita ang talent niya sa acting. Nagawa niya ang mabibigat na role noon bilang si Rustom, bakit hindi niya magagawa ngayon?

Natawa lang si BB sa tanong na ready ba siyang muling makipag-kissing scene kay Alice Dixson.

Naka-partner niya noon sa ilang Viva Films projects.

Tungkol kay Zoren Legaspi, ang karelasyon ngayon ng kanyang ex-wife na si Carmina Villarroel, nasabi ni BB na very civil sila ni Zoren. Pero hanggang ngayon daw ay hindi pa sila nagkikitang muli ni Carmina.

Alam ni BB, na nasa mabuting kalagayan si Carmina kaya masaya na siya sa rating karelasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply