ALPA pumasok sa PAR, inaasahang maging bagyo

INAASAHANG magiging ikalimang bagyo ngayong taon ang active low pressure area na pumasok kaninang umaga sa Philippine area of responsibility (PAR).

Tatawagin itong bagyong Enteng kapag pumalo na sa 55 kph ang taglay na lakas ng hangin.

Ayon kay  Pagasa forecaster Connie Dadivas, huling namataan ang nasabing weather disturbance formation base sa satellite and surface data sa layong 870 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Ayon kay  Dadivas, posibleng magiging bagyo ito ngayong maghapon dahil sa ipinakikitang aktibidad ng weather system.

Ngayong maghapon ay asahan na maulap sa Mindanao area habang maaliwalas naman sa Luzon at Visayas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply