Alternative Mineral Management bill, isusulong ng Simbahan

NAIS ng Simbahang Katolika na ipawalang bisa na  ang Mining Act of 1995 at palatin na ito ng Alternative Minerals Management bill.

Ayon kay CBCP-NASSA executive Fr. Edu Gariguez, ang Mining Act of 1995 na  umiiral na batas ngayon sa pagmimina ay nakasisira  sa kalikasan at sa kabuhayan ng mga katutubo at hindi nakatutulong sa development ng bansa dahil walang kita mula dito.

“Maraming nilalabag ang Mining Act of 1995 gaya ng hindi gumagalang sa karapatan ng mga katutubo, hindi ito nangangalaga sa kalikasan at masyadong makadayuhan dahil ang mga banyagang kumpanya lamang ang kumikita,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Sinabi ni Fr. Gariguez na kailangan ugatin ang problema sa kalikasan sa kanayunan at ito ang umiiral na batas ngayon sa pagmimina sa bansa.

Nananawagan ang Simbahang Katolika sa pamamagitan ng CBCP-NASSA na kailangan ng baguhin lahat ang batas sa pagmimina.

Ayon kay Fr. Gariguez, sapat na ang mga dahilang ito para baguhin ang nasabing batas sa pagmimina.

Inihayag pa ng pari na hindi nagkulang ang mga obispo ng Simbahang Katolika sa pagbibigay ng payo o suhestiyon sa mga nasa gobyerno hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

“Nahihiya ang mga taga Department of Environment and Natural Resources dahil sa hindi nila matugunan ang hinaing na ito ng mga obispo na kung anu-ano na ang mga ginawa, naghain na ng petisyon kung paano maalaganaan ang kalikasan at masolusyunan ang pagkasira na gawa ng pagmimina ay hindi pa rin nila matugunan, kitang kita ang kapabayaan ng DENR sa halip na protektahan ang kalikasan bunsod na rin na ang kanilang sistema at orientation ay government policy na pumapayag sa pagmimina sa bansa na pinapaboran ay ang mga banyagang kumpanya,” pahayag ni Fr. Gariguez.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply