Amalia Fuentes sinampal ng tenant

AGAD nagtungo sa presinto ng pulisya sa Quezon City ang aktres na si Amalia Fuentes para kasuhan ang kanyang tenant na nanghampas at nanampal sa kanya.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Station, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa hinggil sa renta sa bahay ng aktres sa Damayan-lagi, Quezon City.

Sa reklamong inihain ni Fuentes, tinutukan pa siya ng baril at maging ang kanyang anak. Maliban sa panunutok ng baril, pinagsasampal pa aniya siya ng kanyang tenant. Kasong physical injuries, oral defamation, grave threats, slander, unjust fixation at coercion ang ihahabla ng aktres laban sa kanyang tenant.

Balak naman ng tenant ni Fuentes na maghain ng kontra-demanda laban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply