American Idol lalayasan na rin ni J-Lo

INANUNSYO na rin ng singer-actress na si Jennifer Lopez na hindi na siya babalik bilang judge sa susunod na season ng American Idol.

Ayon sa ulat, nais nang balikan ni J-Lo ang dati niyang ginagawa.

“I honestly feel like the time has come that I have to get back to doing the other things that I do. Something has to give.. We had an amazing run,” wika ni Lopez.

Magugunitang umalis na rin bilang judge ng American Idol ang rock icon na si Steven Tyler para makabalik sa pagkanta kasama ang kanyang bandang Aerosmith.

May lumabas din na report na susunod na ring aalis si Randy Jackson at tanging si Ryan Seacrest na lang ang matitira.

Ano kaya ang susunod na magaganap sa isa sa pinakasikat na singing competition sa mundo?

Abangan ang susunod na kabanata?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply