American Idol nilayasan na ni Steven Tyler

KUMPIRMADONG nilayasan na ni Steven Tyler ang American Idol.

Ayon sa ulat ng TMZ, nagdesisyon si Tyler na bumalik sa pagkanta sa kanyang rock band na Aerosmith.

“After some long … hard … thoughts … I’ve decided it’s time for me to let go of my mistress ‘American Idol’ before she boils my rabbit.”

Ayon sa singer, naging masaya siya sa “American Idol” bilang hurado ng dalawang season.

Ganunman, napapanahon na aniya para balikan niya ang kanyang “first love”, ang pagkanta kasama ang kanyang banda.

Balitang mayroon silang ilalabas na bagong album ngayong taon.

Tinanggap naman ng pamunuan ng American Idol ang pag-alis sa show ni Tyler.

Sinabi ni Simon Fuller na naiintindihan niya ang naging desisyon ni Tyler at siguradong mami-miss nila ang singer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply