Ampatuans umalma sa paghuhukay sa kanilang lote

MARIING tintutulan ng pamilya Ampatuan ang ginawang paghuhukay ng mga awtoridad sa isang bakanteng lote sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao kahapon.

Ang hinuhukay na lote ay matatagpuan sa pagitan ng bahay nina dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Datu Zaldy Ampatuan at Datu Unsay Mayor Datu Unsay Ampatuan, Jr.

Ayon kay Mamasapano Mayor Datu Benzar Ampatuan, pamangkin ni Datu Zaldy, hayagang panggigipit umano ito sa kanilang pamilya dahil nangyari ang Maguindanao massacre noong 2009 at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatapos ang paghuhukay.

Nanguna ang Philippine National Police (PNP) sa ginawang paghuhukay sa naturang lugar batay sa search warrant na ipinalabas  ni Quezon City Regional Trial Court judge Jocelyn Solis Reyes.

Batay sa search warrant may kaugnayan pa rin sa nangyaring 2009 Maguindanao massacre ang pananaliksik ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply