Amy nabibingi dahil sa pagbubuntis

MASELAN palang magbuntis si Amy Perez. Kahit nakailang anak na ito hirap pa rin siyang magdala ng bata sa sinapupunan. Pero ‘yung pagkabingi niya minsan ay natural ito sa nagdadalang-tao. Kaya pinagtatawanan na lamang niya kung may mga pagkakataong hindi niya masyadong marinig ang kausap.

Ang maganda kay Amy, sa sobrang pagmamahal niya sa Face To Face, ayaw niyang maapektuhan ang programa dahil sa sitwasyon niya ngayon kaya pansamantala nitong ibinigay ang trono kay Gelli de Belen bilang kahaliling host ng show.

Sakto ang napiling kapalit. Si Gelli ay may pagkakahawig kay Amy pagdating sa hosting at pagka-witty. Sana nga mabigyan ng justice ng misis ni Ariel Rivera ang F2F para naman hindi ito maligwak sa rating. Ito na nga lang ang mangilan-ngilan sa mga programa ng TV5 na sinusubaybayan ng publiko mayayari pa. Iwasan lamang ni De Belen ang mapikon at magtataray.

***

Foundation ni Rufffa malaki ang maitutulong sa kandidatura ni Bisaya

TULOY-TULOY na raw ang pagpasok ni Annabelle Rama sa pulitika at suportado ito ng kanyang mga anak.

Kongreso ang target nitong takbuhan. At tama namang ni-relaunch ni Ruffa Gutierrez ang kanyang website na iloveruffag.com at lalo na ang Roof-A-Child Foundation na pansamantalang natigil nang siya’y mag-asawa at manirahan sa ibang bansa.

Malaking bagay daw ito sa kandidatura ni Madam Annabelle dahil makikita ng constituents niya sa Cebu na hindi lamang siya ang handang tumulong sa mga kababayan niya kundi maging ang kanyang anak na si Ruffa.

Ngunit ang foundation na ‘to ng TV host ay hindi lamang sa mga taga-Bisaya magsisilbi kundi maging sa buong Pilipinas.

***

Sikat na dramatic actress inisnab ng fans

SIKAT ngayon pagdating sa teleserye ang dramatic actress na hindi na kabataan. Lahat ng seryeng sinalihan nito ay mataas ang rating. Kaya kahit saang lupalop ng Pilipinas ito pumunta ay kilalang-kilala siya.

Ang nakapagtataka lamang sa isang event sa Eastwood hindi siya pinansin ng fans at pinagtsitsismisan pa siya, na kesyo ang taba-taba, mala-drum ang katawan at ang wetpaks ay ‘di matambok kundi malapad. Ang mapakikinabangan na lamang daw sa kanya ay ang kanyang mukha na napakaganda pa rin naman. Hahaha!

Well, hindi masisisi ng aktres ang mga otaw sa event na yun dahil siya mismo ay ilag sa fans. Pagpasok pa lang sa pintuan ng bulwagan ay nakaismid na siya at ni hindi man lang tumingin sa mga kaharap. Ayan tuloy at napansin ang kanyang katabaan. Bigyan kaya natin siya ng pizza pie para mapangiti natin siya. Hehehe!

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply