Anak ni DOJ Usec. Baraan, 2 pa, sugatan sa car accident

NAGTAMO ng sugat sa katawan ang  anak ni Department of Justice (DoJ) Undersecretary Francisco Baraan makaraang bumaligtad ang  ang minamaneho nitong sasakyan.

Naaksidente si BJ Baraan, 19, estudyante,  residente ng Caranglaan, lungsod ng Dagupan habang nasugatan din ang dalawang kasama nito na nakilalang sina  Michael Cardoso at Lei Mona Perez.

Nabatid na nawalan ng control sa manibela ang anak ni Baraan  kung kaya’t bumangga ang kotse sa isang auto shop sa kahabaan ng Caranglaan, lungsod ng Dagupan.

Kasalukuyan pang inaalam ng  PNP Dagupan ang tunay na dahilan ng naturang aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply