Anak ni Sylvester Stallone natagpuang patay

NATAGPUANG patay ang anak ni Sylvester Stalone na si Sage sa kanilang bahay sa Los, Angeles California.

Kinukumprima pa umano ang ulat na na-overdose sa pag-inom ng pills ang batang Stallone.

Labis na nagdadalamhati ngayon ang aktor dahil sa sinapit ng kanyang anak.

Sa ibinahaging sa statement ni Michelle Bega, tagapagsalita ni Stallone, sa media, nakapanghihinayang ang pagkamatay ni Sage na inilarawan niyang isang talentadong bata.

Sa report sa TMZ, natagpuang walang malay ang anak ni Stallone sa kanilang bahay at idineklarang dead-on-the-spot ng mga rumespondeng paramedics.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman kung sadya o aksidente ang pagkamatay ni Sage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply