Anak patay, ina sugatan sa sumabog na granada

PATAY ang anim na taong gulang na batang babae habang malubha naming nasugatan ang ina nito matapos na hagisan ng granada ang voters’ registration area sa Barangay Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao, ayon sa ulat ng militar.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ni Army Col Mayoralgo dela Cruz commander, Philippine Army 1st mechanized brigade, namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga biktimang si Agatha Lee, 6 taong gulang, habang sugatan naman ang ina nitong si Pamela Pangila, 27-anyos .

Samantala inihayag naman ni Col.Prudencio Asto, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang nakitang naghagis ng MK-2 grenade sa Timbangan Multi-purpose Hall.

”Halos wala nang nagparehistro nun, nagpapack-up na nga, nagpe-prepare nang magligpit yung mga election officials,  may nakamotor daw, mga 15 to 20 meters away dun sa registration center, may tindahan dun inihagis yung granada, e nagkataon na may mag-iina dun sa malapit yun ang tinamaan,” ani Cruz.

Nabatid na naganap ang pagsabog ng maghagis ng granada ang mga suspek bandang alas tres ng hapon.

Naniniwala ang opisyal na nagkataon lamang na naroon ang mga biktima ng ihagis ang granada at wala itong kaugnayan sa nalalapit na ARMM election .

Samantala, may pagsabog ding nangyari sa isang maisan sa Barangay Labu-labu sa kalapit na bayan ng Datu Hoffer Ampatuan, na hindi rin kalayuan sa isang voters’ registration center sa Barangay Labu-labu Mother Elementary School.

Narekober sa pinagsabugan ang mga bahagi ng isang 40mm round na posibleng pinaputok mula sa M-203 o M-79 grenade rifle.

Ang Commission on Elections (Comelec) special registration sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay nagsimula noong Hulyo 9 at magtatapos ngayong araw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply