Ang daming bading na nangangarap maging abugado!

HINDI namin paboritong tao ang mga Kano at hindi rin namin paboritong bansa ang Amerika, pero natutuwa kami kung paano tinatrato ng US media ang masaker na naganap sa Aurora, Colorado habang nag-i-special midnight screening ru’n ang latest Batman movie. Iginalang ng US media ang mga nasawi: hindi nila ito kinomersyalize.

Walang ipinakita sa news na footage ng mga bangkay ng mga yumao at ng mga naratay sa ospital na mga nasugatan nang malubha. Kung sa Pilipinas yon naganap, malamang na sumugod ang media sa bawat burol ng mga nasawi at sa bawa’t ospital na pinagdalhan sa mga sugatan. Wow, ang Pinoy media nga naman. Onli in da Pilipins!

Maging ang privacy ng pamilya ng suspect na si James Holmes ay mukhang iginagalang nila.( Kahit caught in the act siya, “suspect” pa lang din, hindi “salarin” o “kriminal” ang tawag sa kanya, dahil hindi pa siya nalili- tis at nahahatulan sa hukuman).

Kamakailan lang nabanggit kung sino ba ang mga magulang ni James, anong traba- ho ng mga ito, paano siya pinalaki, ilan ang kapatid n’ya, at nasaan sila habang na-aaral si James sa Colora- do. (Actually, lumaki si James sa San Diego, California kung saan maraming Pinoy. Wala pang ulat kung may mga naging kaibigan siyang Pinoy.)

Hindi rin naglalabas ng mga litrato ni James ang US media para nga siguro di siya ma-glorify at all. Sana na- man walang gumawa ng pelikuka ng apat o limang ulit gaya ng nakahiligan ng mga politician-actor rito sa atin.

Mga politician-actor na nagpapa-botox na rin ng kanilang mga mukha. Pwe! (Ganuned? Kaaliw naman. Hahahaha! – Ed)

***

Sa panonood ng CVC Square Off sa ANC namin nadidiskubreng maraming bading sa prestigious law schools sa bansa.

Debate show for law students ang CVC Square Off, at hindi naman ipinapakilala yung mga bading na debater na bading sila.

Halata lang sa pananalita nila, sa taray ng boses nila, sa mga pakumpas-kumpas ng mga kamay nila, sa hilatsa ng mga mukha nila na mga suppressed bading sila, mga closet queens, gaya ng ilan sa mga aktor natin ngayon (kabilang na yung mga bata pa). Ingles ang show, kaya mga Ingliserang mga bading ang nagde-debate sa show.

Hindi namin alam kung may transgender woman na law student na um-appear na sa show. (Mga lalakeng nakadamit babae at mukhang babae, at boses babae ang mga transgender woman. May mga transgender na operada na, at may mga di operada.)

Di kami sigurado kung nagpadebatehan na sa show ang tungkol sa same-sex marriage at kung hin- di pa, sana ay gawin nila ito habang mainit pa ang isyu sa Estados Unidos. At sana, pag pinagtalunan na ang tungkol sa same-sex marriage, may mga ladlad na bading, lesbyana, at transgender law students na kasali.

At mga bading, lalo na yung mga parlorista, modista, at artista, watch kayo ng CVC Square Off sa ANC para ma- engganyo kayong mag-aral din ng Law at maging ganap na mga abugada. Malay n’yo, baka dumating ang panahon na maging chief justice kayo!

At kung mas maraming bading at lesbyanang abugada at abugado, mababawasan siguro ang pang-aapi sa mga di kumbensyonal at tradisyonal ang taste sa sex.

Ipaubaya na lang natin sa mga action star ang pangangarap na maging presidente ng bansa. Tutal yung action s- tar na naging presidente, napatalsik naman agad, at nakulong sa salang pandarambong ng kayamanan ng bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply