Ang ‘King’ sa Skygo motorcycles

BALIK-SERBISYO nang muli ang isa sa mga pinakamura at maasahang PANTRA (pantrabaho) motorcycles sa bansa—ang Lifan KING model.

Ang Lifan KING model ay isa sa mga frontliner motorcycles ng distributor nito na Skygo Marketing Corporation. Ang 150cc Lifan KING ay kumokonsumo lamang ng 2 litrong gasolina kada 100 kilometro, at ang fuel tank nito ay may kapasidad na 12 litro.

Mas matibay na rin ang bagong Lifan KING. Pinalitannaangyari at material ngilang parts at accessories ng motorsiklo kumpara sa dating plastik, ang front shock absorber ay dinisenyo rin para sa mga heavy-duty na Gawain at para sa mas swabeng pagmaniobra sa mga malubak na kalsada. Side-car ready rinang KING para sa mga gustong gawing negosyong tricycle ang motor.

Pumapatak sa P43,000 hanggang P43,500 ang halaga ng isang Lifan KING, depende sa payment plan ngbibili.

Ang Skygo ang siya ring distributor ng ibang Lifan models gayang Archer, Royale, Rajah at Wizard, ngunit ang KING ang kanilang best seller. Ayon sa Marketing and Brand Manager ng Skygo na si Michael Aquino, ang KING ang pinakasulit na motorsiklo para sa pagnenegosyo.

Sakasalukuyan, mayroon nang 57 dealerships ng Skygo sa buong bansa. Kung nais mag-inquire sa kanila ng mga showroom, maaaring tumawag muna sa mga numerong 794-5330 (Luzon Regional Office) o kaya sa mga numerong (032) 345-147 at (032) 345-3862 (Cebu Head Office).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply